This beautiful Tagalog poem was published in Taliba on January 30, 1929.
SA PAMILIHAN NG PUSO
Huwag kang iibig nang dahil sa pilak
pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.
Huwag kang iibig nang dahil sa ganda
ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.
Huwag kang iibig sa dangal ng irog
kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.
Huwag kang iibig dahilan sa nasang
maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya...
Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo
at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.
Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga
ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.
Sa itong pag-ibig ay lako ng puso
di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.
Showing posts with label Jose Corazon de Jesus poems. Show all posts
Showing posts with label Jose Corazon de Jesus poems. Show all posts
Wednesday, October 14, 2009
SA BILANGGUAN NG PAG-IBIG (In Love's Prison) by Jose Corazon de Jesus
SA BILANGGUAN NG PAG-IBIG
WALANG SALA’Y NAPIPIIT!
Lumuluhang isinasayapak ng dalagang walang awa: kay A.
Isang tao ang mag-isang lumuluhang walang tigil
sa silong ng sakdal dilim na piitan ng Paggiliw;
Sa labi ay tumatakas ang mga ay! ng damdamin
at sa anyo’y tila mayr’ong nilalagok na hilahil.
Para niyang nakikitang siya’y ayaw nang lapitan
ng dalagang lumalayo sa tawag ng kanyang buhay.
Palibhasa, siya yata’y hinding-hindi nababagay
na umibig sa dalagang mayr’ong matang mapupungay.
Nagdaan ang mga araw. Ang bilanggo’y nagtitiis
sa pagtawag sa pangalan ng diwatang naglulupit
samantalang ang diwata’y patuloy sa di-pag-imik.
Ngunit sino kaya yaong naglulupit na diwata?
Walang salang iya’y ikaw, dalaga kong walang-awa
at ako ang bilanggo mong hanggang ngayo’y lumuluha.

Puso, Ano Ka? (Heart, What are You?) by Jose Corazon de Jesus
This poem was written in 1928) by the acclaimed Filipino poet Jose Corazon de Jesus. He compares the heart to a bell and a clock, among other things, in the most insightful, poetic way.
Ang puso ng tao ay isang batingaw,
sa palo ng hirap, umaalingawngaw
hihip lang ng hapis pinakadaramdam,
ngumt pag lagi nang nasanay, kung minsan,
nakapagsasaya kahit isang bangkay.
Ang puso ng tao’y parang isang relos,
atrasadong oras itong tinutumbok,
oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot,
at luha ang tiktak na sasagot-sagot,
ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok
kahit libinga’y may oras ng lugod.
Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib
sa labi ng sala’y may alak ng tamis,
kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis
nalalagok mo rin kahit anung pait,
at parang martilyo iyang bawat pintig
sa tapat ng ating dibdib na may sakit.
Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman
na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,
dahil sa pag-ibig ay parang batingaw,
dahil sa panata ay parang orasan,
at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.

Subscribe to:
Posts (Atom)